Pagbibigay Alam sa Pagtanggap ng Appointment sa USCIS Application Support Center (Tagalog)
Maaaring hilingin mula sa inyo ng USCIS na magpunta sa isang interview o ibigay ang inyong mga fingerprint, litrato, at/o lagda sa anumang oras para mapatotohanan ang inyong pagkakakilanlan, makakuha ng karagdagang impormasyon, at makapagsagawa ng background at security check, kasama na ang pagsusuri sa mga rekord ng kasaysayang kriminal na itinatabi ng Federal Bureau of Investigation (FBI), bago magdesisyon sa inyong application. Makalipas na makuha ng USCIS ang inyong application at matiyak na kumpleto na ito, ipagbibigay-alam namin sa inyo sa pamamagitan ng isang kasulatan (o sa pamamagitan ng abiso sa email kung kayo ay nag-file ng isang e-file na application), kung kinakailangan ninyong dumalo sa isang appointment ng serbisyo sa biometric. Kung kailangan ang isang appointment, ang abiso ay magkakaloob sa inyo ng lokasyon ng inyong lokal o itinalagang USCIS Application Support Center (ASC) at ag petsa at oras ng inyong appointment. Kung nabigo kayong dumalo sa appointment ng serbisyong biometric, maaaring tanggihan ng USCIS ang inyong application.
Repasuhin ang Pagkikilala sa Pagtanggap ng USCIS sa ASC na ipinapakita sa ibaba. Ang layunin ng pagkikilala sa pagtanggap na ito ay para kumpirmahin na inyong nakumpleto ang inyong application, narepaso ang inyong mga kasagutan, at napatotohanan na ang impormasyon ay ipinagkaloob ninyo at kumpleto, totoo at wasto ang mga ito. Kung may tumulong sa inyong sulatan ang inyong application, ang nasabing taong iyon ay dapat na repasuhin ang pagkilala sa pagtanggap kasama ninyo para matiyak na nauunawaan ninyo ito.
Ako, si [DOE JOHN], ay nakakaunawa na ang layunin ng appointment sa USCIS ASC ay para maibigay ko ang aking mga fingerprint, litrato, at/o lagda at para muling mapatotohanan na ang lahat ng impormasyon sa aking application, petisyon o kahilingan ay kumpleto, totoo, at wasto at ako ang nagbigay ng mga ito. Aking nauunawaan na aking ilalagda ang aking pangalan sa mga sumusunod na deklarasyon na ipapakita sa akin ng USCIS sa oras na aking ibigay ang aking mga fingerprint, litrato, at/o lagda sa aking appointment sa USCIS ASC.
Sa pamamagitan ng paglagda dito, Aking ipinapahayag sa ilalim ng kaparusahan ng panunumpa na walang katotohanan na aking nirepaso at naunawaan ang aking application, petisyon o kahilingan tulad na tinukoy sa numero ng resibo na ipinakita sa screen sa itaas, at ang lahat ng mga nagbibigay suportang dokumento, mga application, mga petisyon, o mga kahilingan na isinumite kasama ng aking mga application, mga petisyon, o mga kahilingan na ibinigay kasama ng aking application, na ako (o ang aking abogado o binigyang kapangyarihan na kinatawan) ang nagsumite sa USCIS, at ang lahat ng impomrasyon sa mga dokumentong ito ay kumpleto, totoo, at wasto.
Aking nauunawaan rin na kapag aking ilagda ang aking pangalan, ibinigay ang aking mga fingerprint, at/o kinuhanan ng litrato sa USCIS ASC, ako ay muling nagpapatotoo na aking kusa na isinumite ang application na ito; Aking binalikan para matiyak na tama ang mga nilalaman ng mga application na ito; ang lahat ng impormasyon sa aking application at ang lahat ng mga nagbibigay suportang mga dokumento na naisumite kasama ng aking application na aking ibinigay ay kumpleto, totooo, at wasto. at kung ako ay tinulungan sa pagkukumpleto ng application na ito, ang taong tumutulong sa akin ay binalikan rin para matiyak na tama ang Pagkilala sa Pagtanggap ng Appointment sa USCIS Application Support Center kasama ko.
Kasunod nito ang mga wika para sa e-sign na pahina. Kinakailangan namin ang internationalization para sa parehong pagpapatotoo at e-sign na pahina.
TALA: Basahin ang impormasyon tungkol sa mga multa sa Mga Instruksyon ng Form I-90, Mga multana seksyon bago kumpletuhin ang Parte na ito. Kailangan muna ninyong mag-file ng Form I-90 habang nasa Estados Unidos.
Pahayag ng Aplikante
Piliin ang kahon sa kahit alin sa Numero ng Item 1.a. o 1.b. Kung naaangkop, piliin ang kahon para sa Item Numero 2.
1.a. Ako ay nakakabasa at nakakaunawa ng Ingles, at aking nabasa at naunawaan ang bawat isang katanungan at tagubilin sa application na ito, at pati na rin ang aking sagot sa bawat tanong. Aking nabasa at nauunawaan ang Acknowledgement of Required Appointment (Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng Hiniling na Appointment) sa USCIS Application Support Center.
1.b. Ang interpreter na pinangalanan, {Interpreter First Name} {Interpreter Last Name}, ay binasa sa akin ang bawat isang tanong at instruksyon sa application na ito, at pati na rin ang aking mga sagot sa bawat tanong sa {Interpreted Language}, isang wika kung saan ako ay mahusay magsalita. Aking nauunawaan ang bawat tanong at tagubilin sa application na ito ayon sa pagkakapaliwanag sa akin ng tagapagsalin wika, at nagbigay ng kumpleto, totoo at wastong mga sagot sa wika na tinukoy sa itaas. Binasa rin ng interpreter na si {Interpreter First Name} {Interpreter Last Name}, ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng Hiniling na Appointment sa USCIS Application Support Center sa akin, sa wika kung saan ako ay matatas, at aking naunawaan na ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng Application Support Center (ASC) ay binasa sa aking ng interpreter.
2. Aking hiniling ang mga serbisyo at pinahintulutan si {Preparer First Name} {Preparer Last Name}, [who is] na isang abogado o binigyang kapangyarihang kinatawan, sa paghahanda ng application na ito para sa akin. Ang taong ito na tumulong sa aking paghahanda ng aking application ay nirepaso ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng Application sa USCIS Application Support Center kasama ko, at aking nauunawaan ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng ASC.
Aking hiniling ang mga serbisyo at pinahintulutan si {Preparer First Name} {Preparer Last Name}, [who is not] na hindi isang abogado o binigyang kapangyarihang kinatawan, sa paghahanda ng application na ito para sa akin. Ang taong ito na tumulong sa aking paghahanda ng aking application ay nirepaso ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng Application sa USCIS Application Support Center kasama ko, at aking nauunawaan ang Pagbibigay-alam sa Pagtanggap ng ASC.
Certification ng Aplikante
Ang mga kopya ng anumang dokumento na aking isinumite ay mga eksaktong photocopy ng mga hindi binago at orihinal na dokumento, at aking nauunawaan na maaaring hilingin ng USCIS na aking isumite ang mga orihinal na dokumento sa USCIS lumaon. Dagdag pa dito, aking pinahihintulutan ang pagpapalabas ng anumang impormasyon mula sa alinman o lahat ng aking mga rekord na maaaring kailangan ng USCIS para matiyak ang aking pagiging karapat-dapat para sa benepisyo sa imigrasyon na aking hinahangad.
Dagdag pa dito, aking binibigyang awtorisasyon ang pagpapalabas ng impormasyon na nilalaman sa application na ito, bilang suportang dokumento, at sa aking mga rekord sa USCIS, sa ibang mga entity at tao kung kailan kinakailangan para sa pamamahala ng mga batas sa imigrasyon ng Estados Unidos.
Aking pinapatotohanan, sa ilalim ng kaparusahan ng panunumpa na walang katotohanan, na ang impormasyon sa aking application at anumang dokumento na naisumite kasama ng aking application ay aking ibinigay at kumpleto, wasto at totoo.